Wednesday, April 2, 2014

" A secret message "


Sa unang pag uusap natin ako ay nakadama, kakaibang saya na di ko nadama sa iba..

Ako ay nagtataka kung ano ba ang meron sayo at sa tuwina ay sabay kong nadarama ang tuwa at kaba..



Lahat ng problema ko ay biglaang nalilimot..
Ang bawat araw ay nagkakaruon ng ngiti at sigla na dati rati naman ay madalas na nakasimangot..

Madalas at di ko na mabilang ang mga sandaling naka ngiti ang aking mga labi, kung ano mang dahilan nito ay di ko mawari..
Ang aking isipan ay naguguluhan di ko man maipaliwanag ang dahilan, pero natitiyak ko na sa aking kalungkutan ay ikaw ang siyang pumawi..
Tinatanong ko minsan ang sarili kung ano nga ba talaga ang sa akin ay nangyayari..

Sa pagka gising sa umaga ay hinhanap ka..
At sa buong araw ay di nagsasawang kausap ka..

Walang sawa sayo dahil kasama ka hanggang sa pag tulog at sa panagnip ikaw ay kayakap pa..
Ako yata ay nalululong na sa iyo at nalulungkot na sa tuwing sa akin ikaw ay nalalayo na..

Lagi lagi akong nagaabang sayo at umaasa na sana ay nandiyan ka lang..
Ako ay nanabik sa iyong pagbabalik dahil iyon ang natatanging paraan para maibalik ang mga tuwa at ngiting nawala nalang..

Nadarama ko kaya ay nadarama mo rin ba?..
Ganyan ang nadarama ko, ang drama ko hindi ba..

Sana ay ganun ka rin sa akin tulad ng nararamdaman ko para sa iyo..
Ako ay nananalangin at umaasa na ikaw ay para sakin at ako naman sana ay para sa iyo..

Walang hanggan ang aking nadarama at ito ay tanging sayo lamang nakalaan..
Ang malungkot na kahapon ay nilimot ko na, tuluyan kong nalimot ang nakaraan.. 

Ngayong narito ka na at ito na ang pagkakataon para sa akin..
Gagawin ko ang lahat para lang mapalapit ang puso mo sa akin..

Pagmamahal ko man sayo ay di ko magawang masabi kahit ano mang isip kong paraan..
Akin namang sisiskapin ipakita ito ng sa ganun ay iyo itong maramdaman..

Ginising mo ang natutulog kong damdamin..
Masaya ako at dumating ang araw na ang nadarama para sa iyo ay nagawa kong aminin..

Akin ngang nasambit sa iyo ang unang salita na nagdulot sa atin dalawa ng kaba..
Malaman mo lang ang ang nasasaloob ng puso kong nangangamba..

Alam kong nag aalangan ka rin kaya sumagot ka sa akin ng
"Hindi kaya masyadong maaga"..
At ako ay natigilan,
Lumuha man sa iyong unang tugon sakin at ang aking mga mata ay mugto na at namamaga na..

Nais ko parin mag pasalamat sa iyong itinugon..
At napalitan mo ng tuwa ang kabang sa puso ko ay naipon..

Ikaw ba ay naguguluhan?..
Yaring mga pangungusap at ginagamit kong salita ay di mo maintindihan..

O ikaw ba ay nalilito kung saan ba ito patungo..
Ngayon alam mo na kung gaano kagulo..

Ganyan ang aking damdamin mahirap man itong unawain ay pilit kong ilalahad para sa iyo..
Pikit mo lang ang iyong mga mata wag nang mag isip ng ano pa man..
Iyong mababatid at makikita sa aking bawat letrang ginamit..

Na nag kubli ng mahalagang mensahe..
Aking hinabi kasama ng mga salitang sa puso nagmula..

Doon ko ikinuwento ang ilang pangyayari mula sa simula..
Ako sana ay patawarin at di marunong magkwento sa tula..
Makarating sana sa iyo ang aking mensahe..

Ako ay nauubusan na ng mga salita wala ng masabi, at habang may pagkakataon pa ay nais kong sabihin sa iyo na..............

No comments:

Post a Comment