Umiiyak ka nanaman..
tinatanong mo ang iyong sarili, bakit ba ganyan?
At ito ako bumubulong sa aking isipan..
Ayan ka nanaman, Bakit ba ang hirap mong paliwanagan?
Talaga nga bang sadyang di mo maintindihan?
O nag bubulag bulagan?
Kahit ikaw ay harap harapan ng sinasaktan, at pinagtataksilan?
Ang sagot mo mahal ko kasi, pag ibig pa ba yan?
Tila yata nalimutan mo na maging ang pag ngiti at tanging nababakas nalamang sayong mga mata ay ang kalungkutan..
Tanging hiling ko lang naman,
Na imulat ang iyong mga mata at isipan..
Upang iyong makita at harapin ang katotohanan..
Bigla kang napa yuko, maya maya'y unti unting tumingala at ang mga tingin mo ay pilit tinatago ngunit lahat ng iyon ay aking nauunawaan..
Oo tama na yan,
tigilan mo na yan..
At ang pag luha mo ang tangi mong tugon sa ating malungkot na usapan..
At ito naman ang papel ko na sayo'y walang sawang ginagampanan..
Pilit kitang hinahawi sa gitna ng kalungkutan..
Nagmimistulang anghel na bumaba pa mula sa kalangitan..
Upang ikaw ay hagkan,
at madampian ang iyong mga matang diko mapigilan sa pag luha ilang ulit mang punasan..
Kasabay ng iyong pananaghoy,
at ng mga pangako kong binitawan,
Na sa mga problema mong kahaharapin ay kasama mo akong lulunasan..
Hahawakan ang iyong mga kamay at diko bibitawan..
Pakiusap ko sayo na ikaw ay tumahan..
Nandito lamang ako sa tabi mo handa kang damayan..
Tawagin mo ang aking ngalan..
Sa sandaling akoy iyong kailangan..
Gawin mo akong sandalan..
Asahan mong di kita pababayaan..
No comments:
Post a Comment