Sa papaanong paraan ko ba dapat umpisahan..
Para masabi ko sayo ang aking nararamdaman..
Alam ko na normal lang na kung minsan ay magkaroon ng tampuhan..
Pero ng dahil sa sobrang pag mamahal sayo ang pag tatampo ay pilit kong iniiwasan..
Alam kong marami tayong pag kakaiba, na kung minsan nga ay nauuwi pa sa di pagkaka intindihan..
Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring iyon ay di nangangahulugan..
Na ang pag tingin at pag mamahal ko sayo ay nababawasan..
Alam ko na bahagi lamang ito ng mga pagsubok na kailangan nating pag daanan..
Hangad ko na sa bawat tatawirin magka hawak kamay nating malalampasan..
Sabi nga nila walang di pagkaka unawaan,
hanggat kayang idaan sa mabuting pakiusapan..
Alam ko na minsan nasasaktan natin ang ating mga minamahal ng di natin namamalayan..
Lalo para sa isang tulad ko na napaka sensitibo kung minsan..
Oo sobrang napaka matampuhin ko, nakung minsan nga ang sarili koy di ko na din maintindihan..
Bakit nga ba di ko mapigil itong pagda drama ko, ako man ay nagugulahan..
Ngunit sa tuwing makikita ko ang maamo mong mukha, na kahit mula lamang sa mga pinakatatago tago kong iyong mga larawan..
Taglay ng nag nining ning mong mga mata dulot ng tunay na kaligayahan..
Mga ngiti sa iyong mga labi na kailan may di ko pag sasawaan..
Sa lambing ng iyong tinig at iba pang mga katangiang taglay mo na kailang may di matatawaran..
At sa pinadarama mong pag mamahal ang mga suliranin ko at pag daramdam ay agad na nalulunasan..
Itong naramdamang pag ibig para sayo,
tanging sayo ko lang naranasan..
Inabot mong pilit ang aking mga kamay upang i ahon ako sa pagka lunod ko mula sa kalungkutan..
At sana sa bawat ngiti na dinulot ko sayo, hangad ko na sana na lahat ng mga sakripisyo mo para sa akin ay magawa kong suklian..
Sa pag papadama ko ng pagmamahal sayo na kahit na sino ay di kayang tumbasan..
Pinapangako ko sayo na tunay at tapat ang aking nararamdaman..
Gaya ng pinaka una kong pangako sayo na aking binitawan..
Na mahal na mahal kita at ang iyong damdamin ay aking paka iingat ingatan..
Yan ang pangako ko sayo na kahit kailan may di nila magagawang higitan..
No comments:
Post a Comment