~ "Mahal mo siya diba?..
Bakit ka nag hanap ng iba?"..~
Bakit yata bigla kang nag iba?..
Naalala ko pa nuon halos akoy sinasamba..
Nangangakong pag iibigan ay di mag iiba..
Dati rati tuwing linggo kasa kasama kang magsimba..
Ikaw ang nagturo sakin na tumawag sa kanya, upang pawiin niya ang pangangamba..
Bakit biglang na giba..
Ang mga pangarap natin at iyong dinurog ang puso ko, kulang nalang sabihin mo sakin na "sino ka ba?"..
Mga masasayang pinagsamahan natin nalimot mo naba?..
~ "Bakit mo hinayaan?..
Bakit mo sinaktan?".. ~
Saan ba ako nagkulang?
Tanong na paulit ulit na bumabalik sa aking isipan..
Hagang sa aking pagtulog akoy sinusundan..
Tuloy tuloy ang pag patak ng mga luha ko sa unan..
Sa ilalim nito nakatago ang pinaka iingat ingatan kong larawan..
Di makapaniwalang ganun kadali mo akong nalimutan..
~ "Bakit mo iniwan?..
Bakit di mo pinahalagaan?..
Bakit di mo inalagaan?".. ~
Ngayon ako ay luhaan..
Narito nilalamig sa gitna ng ulan..
Patuloy na sinisigaw ang iyong pangalan..
Hindi ka manlang lumingon tumalikod ka ng tuluyan..
Ang pag susumamo ko ay di mo pinagbigyan..
Mga pangakoy tuluyan mo ng binitawan..
Di parin ako makapaniwalang wala kanang nararamdaman..
Naiwaglit naba ang mga nagdaan?..
Lahat naman sayo ay aking inilaan..
Sa kabila ng lahat akoy iyong pinabayaan..
~ "Bakit di mo binigyan ng atensyon?..
Bakit mo pinag palit?".. ~
Ikaw lamang ang ang nag silsilbing inspirasyon..
Pinag silbihan at binigay ko lahat lahat sayo ng walang limitasyon..
Kahit patuloy ang iyong pang babalewala at ang turing mo sakin ay isang konsumisyon..
Umaasa ako na ikaw ang aking magiging gabay sa habang panahon..
Na ako ay nag iisa at nalulungkot o nahihirapan ngunit wala ka doon..
Di ko akalain sayo ko mararanasan ang pananakit kasi sinabi mo nuon ikaw ang magsisilbi kong protekyson..
Kung nuon tinitingala mo ako gaya ng langit..
Bakit ngayon pinadarama mo ay puro pasakit..
Pagka tao ko ay parang nilait..
Sa mga sugat na natamo ng dahil sayo mababakas sa mga mata ko ang hapdi at pait..
Ano bang wala sakin na sa ibay ibig mong makamit..
Bakit pinaasa mo ako na ako lang at walang kapalit..
~ "Bakit mo pinaasa?..
Bakit ka sumuko?..
Bakit mo niloko?".. ~
Magkasama tayo ngunit bakit sa ibay di mo maiwasan tumingin di mo mapigilan ang pag nanasa..
Sa pag unawa ko sayo at pagbibigay ng tsansa..
Lumaki ang ulo mo at patuloy kang namihasa..
Puro pasakit at pighati ang sa akin ay iyong pinalasa..
Akala ko pa naman sa puso mo ay nagiisalang ako..
Iyon palay matagal mo na akong niloloko..
Di lang isa dalawa tatlo diko mabilang parang gusto ko ng sumuko..
Hindi naman ako tumingin pa sa iba gaya ng sabi ko sayo nuon at mga pinangako..
Taos sa puso ko ikaw lang talaga walang iba at sayo lang ako..
Pero sa tuwing nilalambing kita madalas mong sabihin "bitawan mo ako"..
Sa pagmamaka awa ko tangi mo lamang tugon ay "ayoko"..
~ "Bakit di mo pinanindigan?..
Bakit mo pinagmukhang tanga?".. ~
nasaan kana kaya ngayon?
kailangan kita ngayon
paano na ako?, Ikaw lang ang aking takbuhan..
Ang nag iisa kong kakampi at sandalan..
Patuloy ko parin binabalik balikan..
Ang masayang alaala ng ating pag iibigan..
Bakit di mo mapag bigyan?..
Ano ba ang dahilan..
Siguro nga ang katotohanan ay dapat ko ng tanggapin para sa buhay ko ang panibagong kabanata ay masimulan..
Ngunit ngayon kailangan ko ng umahon mula sa pagkaka lugmok at sindihan, ang ating mga alaala ng mga nakaraan..
Itapon ang ang lahat sa basurahan..
Kalimutan ang nagdaan..
Pagod na akong umiyak ng dahil sayo matulala at ngumanga..
Di ko malilimutan mga pag papaikot mo sakin dahil ginawa mo kong tanga..
Wag na wag ka ng babalik sasampal ko sayo lahat ng ginawa mo sakin hagang makalas ang iyong panga..
~ "KUNG MAHAL MO TALAGA ANG ISANG TAO HINDING HINDI MO MAIISIP NA SAKTAN SIYA KAHIT SA MALIIT NA BAGAY" ~
"sayang na sayang lang ang pag ibig ko laan pa naman ang puso ko sayo"..
credits to redchicx para sa mga linya na kulay pula na nagbigay sakin ng ideya.. 
No comments:
Post a Comment