Wednesday, April 2, 2014

" MINSAN ANG PAG-IBIG PARANG "

" MINSAN ANG PAG-IBIG PARANG "

Minsan ang pag ibig ay maiha halintulad natin sa tubig..



Na isa sa mga pangunahing kailangan ng tao para mabuhay..

Pag ibig na sya rin sa buhay ang nagbibigay kulay..

Minsan ang pag ibig tapat at walang kapantay..
Tunay at dalisay..

Parang agos..
ng tubig sa ilog na hindi natatapos..

Minsan ay malinaw pero madalas malabo,

ngungit may ibig ipahiwatig..

Kung tahimik ay malalim at mababaw naman kung maingay..

Mistulang hangin na mahirap mawari..
Kung saan patungo..

At kailan may di magagapos ng mga kamay..

Ang kailangan mo lamang umupo at maghintay..

Sa matamis na labi na sayo ay tatangay..

Minsan ang pag ibig seryoro..

at lubhang napaka misteryoso..

kadalasan magulo pero masaya tulad ng buhay ng isang payaso..

Dinaig pa nito ang pangangaso..

Sa gubat ng masukal na talaga namang peligroso..

Minsan ang pag ibig mapang abuso, seloso,

at pag sumobra eskandaloso..

Ngunit kung ikay nahihilo sa mga katagang hatid ko..

Eto abutin mo ang baso..

Pag saluhan natin itong generoso..

Pag naubos eto namang alfonso..

Ang pag ibig ay mahirap maintindihan..

Minsan ang intensyon ay di malinaw at di masisi kung pagtatakhan..

Talaga namang mahirap pag katiwalaan..

Magulo at mahirap maunawan..

Kahit ano man ang gawing pilit..

Mistulang ulan..
Na di pwedeng sumabay sa tag init..

Isang tadhanang napaka pait..

Para sa isang taong kaawa awa dahil siya ay minamaliit..

Sa kabila ng dami at lahat ng pangarap na gustong makamit..

Ulan na dumadating kapag di inaasahan..

At ambon na sandali lang kung dumaan..

Parang problemang mahirap lunasan..

At luhang di mapigil kahit ilang ulit mang punasan..

Minsan ang pag ibig parang tubig na malamig nakaka patid ng uhaw..

Parang crush mong biglang dumaan sa iyong harapan..

Ngumiti at binati ka..
Oh wow..

Parang inihaw na tupig

at crunchy na pinipig..

Sa ibabaw ng halo halong iniibig..

Walang tulak at puro kabig..

1st Jun 2012, 18:04

No comments:

Post a Comment