Wednesday, April 2, 2014

" Para sa pinaka makinang kong tala "


Nang masilayan ka tila ba natapos na ang matagal kong paghahanap..

At pagkatapos nuon, natapos din ang pag papanggap..
Nang makausap ka ang kasiyahan ko ay tuluyan ng naging ganap..

Sa kalungkutan at pag iisa ay muling bumangon..
Ng may ngiti sa labi at mga mata, makikitang dahil sayo tuluyan ng nalimot ang malungkot na kahapon..

Para sayo pinipilit kong umahon..
Sa bawat pag subok ko na haharapin, tanging pag ibig mo ang lakas ko at iyong pabaon..

Nang aking madinig ang malambing mong tinig..
Tinatanong ko sa sarili ko, kung papaano mo nga ba ako na pa ibig..
Gabi gabi mapa araw man, sa larawan mo madalas na nakakatitig..


Alam ko sa sarili ko itong ngang nadarama ko ay pag ibig..

Lumilipas ang bawat segundo na palaging masigla,
at tuluyan ngang naging masaya ang buong paligid,
At sayo ay ayaw nang mawalay..

di makayang iwaglit sa isipan, ayaw nang humiwalay..
pagnawawala ka ng matagal akoy nagiging matamlay..

Ganun pa man kahit anong mangyari, ako sayo ay laging maghihintay..
na sana dumating ang panahon na magawa kong hawakan ang iyong mga kamay..

Gusto na yata kita itali sa lubid ng pagmamahalan,
Dahil pag nandiyan ka nawawala ang lumbay..
Sinasabi ko saking sarili ikaw na sana ang matagal kong hinihintay..

Nang dahil sayo naibalik at ninais kong ibalik ang dating pagkatao ko na umiibig ng tapat at tunay..
kontento sa isa,
Nangangako na iingatan ka dilang ang relasyon nating dalawa kundi mas lalo na ang iyong damdamin..
Makinig ka sa aking sasabihin at mag tiwala sakin..
pinapangako sayo na di kana muling mag iisa..


gusto ko na maipakita sa iyo ang tunay na kahulugan ng salitang pag ibig..
Nais ko lamang hagkan ka sa aking mga bisig..

No comments:

Post a Comment