Wednesday, April 2, 2014

" Lihim na Liham "


Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung bakit kami nagkaganito,
nagsimula sa isang masayang love story at kagaya ng karamihan natatapos sa isang malungkot na ending..
Nagsimula sa unang ngiti, unang pag uusap hanggang sa nasundan ng masayang tawanan..
Nagkapalagayan ang loob sa bawat isa.
Hanggang sa nagkatuluyan nang mahulog ang loob sa isat isa..
ang saya... ΓΌ
ligayang hindi mo maiisip na mararamdaman mo sa kanya..
Hanggang sa naramdaman nalang namin na hindi na namin kayang mawala ang isat isa...
Sa pag gising mo sya nasa isip mo hanggang sa pagtulog..
Samakatuwid umiikot na ang mundo mo sa kanya.. <3
lumipas ang araw, buwan... Masyado nang komportable at dun mo palang pala makikita at makikilala ang bawat isa. Naranasan na ang mga tampuhan, suyuan.. Lambingan.. At habang nadaan ang araw lalong lumalalim ang nararamdaman.. Sino ba naman ang makakalimot sa first kiss..
Sa unang yakap..
Sa bawat tingin niyo sa bawat isa..
Parang siya lang ang nagpapasaya at bumubuo ng mundo mo...
At dumating na nga ang araw na special.. Officialy may tag name na "in relationship with" <3 <3
nagsimula na ang pangako...
Mula sa di kita paiiyakin..
At hindi tayo magkakahiwalay habang buhay...
Ika nga bersyon namin...
Pangalan nating dalawa na nasa loob ng isang bilog.. Dahil sabi ko pag puso.. Nababasag
pero sa bilog.. Walang katapusan...
Hehe sweet diba?!
Pero unti unting nagbago yun..
Ang dating mundo mo parang nagiging makamundo na... Sa sobrang pag mamahal... Nakakasakal na :|
selos, galit.
Pati malilit na bagay na hindi napapagusapan..
Haay ano nga bang nangyari?
Isang masaya, mainit at napaka gandang love story? Ay sadyang love story nalang na walang happy ending...
Basta ang alam ko kung anuman ang nangyayari satin ngayon pareho nating hindi gusto </3...
Minsan na tayong umiyak ng sabay, malungkot..
Lumigaya, mangarap ng sabay at umibig sa isat isa...
Minsan nga kapag tayo ang magkasama ay okay na ang lahat...
Hmn..
Dapat ba tayong lumaban pa? Teka???!
Sino nga ba ang kalaban natin?
Tayo ba? O sila?, panahon?, mga tao?, pangyayari?,
bakit parang pareho tayong talo? Sa laban na dapat tayo ang magkakampi,
magkasama o sadyang dapat na natin tanggapin ang katapusan ng kwento natin.. O isa lang din tong teleserye na hindi pa sa ngayon to be continue pa.. Na hanggang sa huli "together forever" padin..
Kung ganun man well, see you then..
O kung hindi man sana walang makalimutan sa kwentong ito..
Isang aral..
Isang love story..
nais kong sabihin..
Hindi ko to makakalimutan...
Hindi ko malilimutan ang minsang naging "tayo".. Teka wala naman sa plano to diba? :(

credits sa bestfriend kong kwentista/barista na si con..

No comments:

Post a Comment