Wednesday, April 9, 2014

" Ang tanong ko'y bakit? "

~ "Mahal mo siya diba?..
Bakit ka nag hanap ng iba?"..~

Bakit yata bigla kang nag iba?..
Naalala ko pa nuon halos akoy sinasamba..
Nangangakong pag iibigan ay di mag iiba..
Dati rati tuwing linggo kasa kasama kang magsimba..
Ikaw ang nagturo sakin na tumawag sa kanya, upang pawiin niya ang pangangamba..
Bakit biglang na giba..
Ang mga pangarap natin at iyong dinurog ang puso ko, kulang nalang sabihin mo sakin na "sino ka ba?"..
Mga masasayang pinagsamahan natin nalimot mo naba?..

~ "Bakit mo hinayaan?..
Bakit mo sinaktan?".. ~

Saan ba ako nagkulang?
Tanong na paulit ulit na bumabalik sa aking isipan..
Hagang sa aking pagtulog akoy sinusundan..
Tuloy tuloy ang pag patak ng mga luha ko sa unan..
Sa ilalim nito nakatago ang pinaka iingat ingatan kong larawan..
Di makapaniwalang ganun kadali mo akong nalimutan..

~ "Bakit mo iniwan?..
Bakit di mo pinahalagaan?..
Bakit di mo inalagaan?".. ~

Ngayon ako ay luhaan..
Narito nilalamig sa gitna ng ulan..
Patuloy na sinisigaw ang iyong pangalan..
Hindi ka manlang lumingon tumalikod ka ng tuluyan..
Ang pag susumamo ko ay di mo pinagbigyan..
Mga pangakoy tuluyan mo ng binitawan..
Di parin ako makapaniwalang wala kanang nararamdaman..
Naiwaglit naba ang mga nagdaan?..
Lahat naman sayo ay aking inilaan..
Sa kabila ng lahat akoy iyong pinabayaan..

~ "Bakit di mo binigyan ng atensyon?..
Bakit mo pinag palit?".. ~

Ikaw lamang ang ang nag silsilbing inspirasyon..
Pinag silbihan at binigay ko lahat lahat sayo ng walang limitasyon..
Kahit patuloy ang iyong pang babalewala at ang turing mo sakin ay isang konsumisyon..
Umaasa ako na ikaw ang aking magiging gabay sa habang panahon..
Na ako ay nag iisa at nalulungkot o nahihirapan ngunit wala ka doon..
Di ko akalain sayo ko mararanasan ang pananakit kasi sinabi mo nuon ikaw ang magsisilbi kong protekyson..
Kung nuon tinitingala mo ako gaya ng langit..
Bakit ngayon pinadarama mo ay puro pasakit..
Pagka tao ko ay parang nilait..
Sa mga sugat na natamo ng dahil sayo mababakas sa mga mata ko ang hapdi at pait..
Ano bang wala sakin na sa ibay ibig mong makamit..
Bakit pinaasa mo ako na ako lang at walang kapalit..

~ "Bakit mo pinaasa?..
Bakit ka sumuko?..
Bakit mo niloko?".. ~

Magkasama tayo ngunit bakit sa ibay di mo maiwasan tumingin di mo mapigilan ang pag nanasa..
Sa pag unawa ko sayo at pagbibigay ng tsansa..
Lumaki ang ulo mo at patuloy kang namihasa..
Puro pasakit at pighati ang sa akin ay iyong pinalasa..
Akala ko pa naman sa puso mo ay nagiisalang ako..
Iyon palay matagal mo na akong niloloko..
Di lang isa dalawa tatlo diko mabilang parang gusto ko ng sumuko..
Hindi naman ako tumingin pa sa iba gaya ng sabi ko sayo nuon at mga pinangako..
Taos sa puso ko ikaw lang talaga walang iba at sayo lang ako..
Pero sa tuwing nilalambing kita madalas mong sabihin "bitawan mo ako"..
Sa pagmamaka awa ko tangi mo lamang tugon ay "ayoko"..

~ "Bakit di mo pinanindigan?..
Bakit mo pinagmukhang tanga?".. ~

nasaan kana kaya ngayon?
kailangan kita ngayon
paano na ako?, Ikaw lang ang aking takbuhan..
Ang nag iisa kong kakampi at sandalan..
Patuloy ko parin binabalik balikan..
Ang masayang alaala ng ating pag iibigan..
Bakit di mo mapag bigyan?..
Ano ba ang dahilan..
Siguro nga ang katotohanan ay dapat ko ng tanggapin para sa buhay ko ang panibagong kabanata ay masimulan..
Ngunit ngayon kailangan ko ng umahon mula sa pagkaka lugmok at sindihan, ang ating mga alaala ng mga nakaraan..
Itapon ang ang lahat sa basurahan..
Kalimutan ang nagdaan..
Pagod na akong umiyak ng dahil sayo matulala at ngumanga..
Di ko malilimutan mga pag papaikot mo sakin dahil ginawa mo kong tanga..
Wag na wag ka ng babalik sasampal ko sayo lahat ng ginawa mo sakin hagang makalas ang iyong panga..


~ "KUNG MAHAL MO TALAGA ANG ISANG TAO HINDING HINDI MO MAIISIP NA SAKTAN SIYA KAHIT SA MALIIT NA BAGAY" ~

"sayang na sayang lang ang pag ibig ko laan pa naman ang puso ko sayo"..

credits to redchicx para sa mga linya na kulay pula na nagbigay sakin ng ideya.. 

" Spater "

Ano nga ba ang spater?
Pag nadinig mo ang salitang spater ano nga ba ang unang pumapasok sa isipan natin?
Ba't tila may kung anong malalim na pakahulugan ang bumabalot at kumukubli sa salitang ito?
saan ba ito nag umpisa saan ba nag mula?
Isang bigkis ng mga katanungan..
Na gumugulo sa ating isipan..
Tulad ng kung ano nga ba ang nauna manok o itlog na napisa?..
bawang ba talaga o sibuyas ang inuuna pag nag gigisa?..
Wag ka mag alala di lang ikaw ang nag iisang naguguluhan..
kung ano nga ba talaga ang tunay na kahulugang napapaloob sa salitang spater..
May mga tsismis pa ayon sa ating mga mananaliksik na sabi ng mga tiga village na itoy nag ugat sa salita ng mga tiga skwater..
Ngunit pinabulaan naman ito ng mga tiga gillage
(gilid ng village)
dahil ito daw ay kombinasyon ng dalawang banyagang lenguahe..
Pero di bale,
kung yan lang tanong ay napakadali namang mang hula ng isasagot
(laugh)
bueno ganito po yan nag simula..
(Laglagan time na lagot!)
ikkwento ko nalang dahil humahaba na ang aking tula para sa panimula..


Ang mga dakilang spater ay maihahalintulad sa mga hustler..
Ngunit di lang sa isang larangan..
Bawat spater ay may taglay na kung ano na angat sa iba..
Mga eksperto..
May ibat ibang uri ng mga spater at ito ang iilan..
May mga presko, simple, pasimple, at syempre yung mga magagalang na talaga namang magaling sa kalakaran..
Na di mo magugulangan..
Tulad ng pinaka unang spater na talaga namang kagalang galang..
VANDERKAUM
ang kanyang ngalan
:praise:
ang hari ng mga spater na siya namang nagbigay basbas kay
STAGNANT_DEVIL
upang ipalaganap di lang sa kailaliman kundi pati narin sa mga lupang nasasakupan di lang ang tunay na kahulugan ng spater kundi ang mga tamang gawi at layunin nito..
Sa tulong narin ng idol bangs nila na si
KAYTOTIELANG
na may tiyahing mentor na si
IAMCRUCIAL
pero lahat yan ay kwento lang mula sa isipan ni
JORGERAPATAN

Saturday, April 5, 2014

" Oh? Ha! "




Oh? Ha!..

Nagulat kayo nuh?,


Ako din eh..


Kape kasi ako ng kape..


Chill lang mga gurls,

Tara at mag kape!..

starbucks?,

Duh? Cheap!..

Ano ? makiki WiFi?,

Poor!

Konektado kaya ako sa symbianize!,

Pero kung kape ang pag uusapan,

cafe'latté ang trip ko..

Nakakatakot ba ang trip o datingan ko?,

Pasensya na ganyan lang talaga ang mga flip na tulad ko..

So paano? Let's skip!, Patatagalin ko pa ba?

O babanatan pa kita?..

Ng mga padale na sa puso mo ay magpapa kaba..

Hindi sa takot,

kaya wag mangamba!..

Jorge Rapatan, nga pala!

Ang feeling pogi no.1 ng cavite.

Kung saan marami ang mga katulad kong lahing matatapang at dugong matatalino!..

At ito ang cute na magpapa alala sayo na masarap ang umibig..

Lalo't kung sa picture ko ikaw naka titig..

Walang tulak, puro kabig..

Pag minahal mo ako..

I will treat you like my Queen and im your King..

Give me a chance to prove it i'll give you everything..

Wednesday, April 2, 2014

" A secret message "


Sa unang pag uusap natin ako ay nakadama, kakaibang saya na di ko nadama sa iba..

Ako ay nagtataka kung ano ba ang meron sayo at sa tuwina ay sabay kong nadarama ang tuwa at kaba..



Lahat ng problema ko ay biglaang nalilimot..
Ang bawat araw ay nagkakaruon ng ngiti at sigla na dati rati naman ay madalas na nakasimangot..

Madalas at di ko na mabilang ang mga sandaling naka ngiti ang aking mga labi, kung ano mang dahilan nito ay di ko mawari..
Ang aking isipan ay naguguluhan di ko man maipaliwanag ang dahilan, pero natitiyak ko na sa aking kalungkutan ay ikaw ang siyang pumawi..
Tinatanong ko minsan ang sarili kung ano nga ba talaga ang sa akin ay nangyayari..

Sa pagka gising sa umaga ay hinhanap ka..
At sa buong araw ay di nagsasawang kausap ka..

Walang sawa sayo dahil kasama ka hanggang sa pag tulog at sa panagnip ikaw ay kayakap pa..
Ako yata ay nalululong na sa iyo at nalulungkot na sa tuwing sa akin ikaw ay nalalayo na..

Lagi lagi akong nagaabang sayo at umaasa na sana ay nandiyan ka lang..
Ako ay nanabik sa iyong pagbabalik dahil iyon ang natatanging paraan para maibalik ang mga tuwa at ngiting nawala nalang..

Nadarama ko kaya ay nadarama mo rin ba?..
Ganyan ang nadarama ko, ang drama ko hindi ba..

Sana ay ganun ka rin sa akin tulad ng nararamdaman ko para sa iyo..
Ako ay nananalangin at umaasa na ikaw ay para sakin at ako naman sana ay para sa iyo..

Walang hanggan ang aking nadarama at ito ay tanging sayo lamang nakalaan..
Ang malungkot na kahapon ay nilimot ko na, tuluyan kong nalimot ang nakaraan.. 

Ngayong narito ka na at ito na ang pagkakataon para sa akin..
Gagawin ko ang lahat para lang mapalapit ang puso mo sa akin..

Pagmamahal ko man sayo ay di ko magawang masabi kahit ano mang isip kong paraan..
Akin namang sisiskapin ipakita ito ng sa ganun ay iyo itong maramdaman..

Ginising mo ang natutulog kong damdamin..
Masaya ako at dumating ang araw na ang nadarama para sa iyo ay nagawa kong aminin..

Akin ngang nasambit sa iyo ang unang salita na nagdulot sa atin dalawa ng kaba..
Malaman mo lang ang ang nasasaloob ng puso kong nangangamba..

Alam kong nag aalangan ka rin kaya sumagot ka sa akin ng
"Hindi kaya masyadong maaga"..
At ako ay natigilan,
Lumuha man sa iyong unang tugon sakin at ang aking mga mata ay mugto na at namamaga na..

Nais ko parin mag pasalamat sa iyong itinugon..
At napalitan mo ng tuwa ang kabang sa puso ko ay naipon..

Ikaw ba ay naguguluhan?..
Yaring mga pangungusap at ginagamit kong salita ay di mo maintindihan..

O ikaw ba ay nalilito kung saan ba ito patungo..
Ngayon alam mo na kung gaano kagulo..

Ganyan ang aking damdamin mahirap man itong unawain ay pilit kong ilalahad para sa iyo..
Pikit mo lang ang iyong mga mata wag nang mag isip ng ano pa man..
Iyong mababatid at makikita sa aking bawat letrang ginamit..

Na nag kubli ng mahalagang mensahe..
Aking hinabi kasama ng mga salitang sa puso nagmula..

Doon ko ikinuwento ang ilang pangyayari mula sa simula..
Ako sana ay patawarin at di marunong magkwento sa tula..
Makarating sana sa iyo ang aking mensahe..

Ako ay nauubusan na ng mga salita wala ng masabi, at habang may pagkakataon pa ay nais kong sabihin sa iyo na..............

" Lihim na Liham "


Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung bakit kami nagkaganito,
nagsimula sa isang masayang love story at kagaya ng karamihan natatapos sa isang malungkot na ending..
Nagsimula sa unang ngiti, unang pag uusap hanggang sa nasundan ng masayang tawanan..
Nagkapalagayan ang loob sa bawat isa.
Hanggang sa nagkatuluyan nang mahulog ang loob sa isat isa..
ang saya... ü
ligayang hindi mo maiisip na mararamdaman mo sa kanya..
Hanggang sa naramdaman nalang namin na hindi na namin kayang mawala ang isat isa...
Sa pag gising mo sya nasa isip mo hanggang sa pagtulog..
Samakatuwid umiikot na ang mundo mo sa kanya.. <3
lumipas ang araw, buwan... Masyado nang komportable at dun mo palang pala makikita at makikilala ang bawat isa. Naranasan na ang mga tampuhan, suyuan.. Lambingan.. At habang nadaan ang araw lalong lumalalim ang nararamdaman.. Sino ba naman ang makakalimot sa first kiss..
Sa unang yakap..
Sa bawat tingin niyo sa bawat isa..
Parang siya lang ang nagpapasaya at bumubuo ng mundo mo...
At dumating na nga ang araw na special.. Officialy may tag name na "in relationship with" <3 <3
nagsimula na ang pangako...
Mula sa di kita paiiyakin..
At hindi tayo magkakahiwalay habang buhay...
Ika nga bersyon namin...
Pangalan nating dalawa na nasa loob ng isang bilog.. Dahil sabi ko pag puso.. Nababasag
pero sa bilog.. Walang katapusan...
Hehe sweet diba?!
Pero unti unting nagbago yun..
Ang dating mundo mo parang nagiging makamundo na... Sa sobrang pag mamahal... Nakakasakal na :|
selos, galit.
Pati malilit na bagay na hindi napapagusapan..
Haay ano nga bang nangyari?
Isang masaya, mainit at napaka gandang love story? Ay sadyang love story nalang na walang happy ending...
Basta ang alam ko kung anuman ang nangyayari satin ngayon pareho nating hindi gusto </3...
Minsan na tayong umiyak ng sabay, malungkot..
Lumigaya, mangarap ng sabay at umibig sa isat isa...
Minsan nga kapag tayo ang magkasama ay okay na ang lahat...
Hmn..
Dapat ba tayong lumaban pa? Teka???!
Sino nga ba ang kalaban natin?
Tayo ba? O sila?, panahon?, mga tao?, pangyayari?,
bakit parang pareho tayong talo? Sa laban na dapat tayo ang magkakampi,
magkasama o sadyang dapat na natin tanggapin ang katapusan ng kwento natin.. O isa lang din tong teleserye na hindi pa sa ngayon to be continue pa.. Na hanggang sa huli "together forever" padin..
Kung ganun man well, see you then..
O kung hindi man sana walang makalimutan sa kwentong ito..
Isang aral..
Isang love story..
nais kong sabihin..
Hindi ko to makakalimutan...
Hindi ko malilimutan ang minsang naging "tayo".. Teka wala naman sa plano to diba? :(

credits sa bestfriend kong kwentista/barista na si con..

" Bakit ba ganyan? Umiiyak ka nanaman "



Umiiyak ka nanaman..
tinatanong mo ang iyong sarili, bakit ba ganyan?
At ito ako bumubulong sa aking isipan..
Ayan ka nanaman, Bakit ba ang hirap mong paliwanagan?
Talaga nga bang sadyang di mo maintindihan?
O nag bubulag bulagan?
Kahit ikaw ay harap harapan ng sinasaktan, at pinagtataksilan?
Ang sagot mo mahal ko kasi, pag ibig pa ba yan?
Tila yata nalimutan mo na maging ang pag ngiti at tanging nababakas nalamang sayong mga mata ay ang kalungkutan..
Tanging hiling ko lang naman,
Na imulat ang iyong mga mata at isipan..
Upang iyong makita at harapin ang katotohanan..
Bigla kang napa yuko, maya maya'y unti unting tumingala at ang mga tingin mo ay pilit tinatago ngunit lahat ng iyon ay aking nauunawaan..
Oo tama na yan,
tigilan mo na yan..
At ang pag luha mo ang tangi mong tugon sa ating malungkot na usapan..
At ito naman ang papel ko na sayo'y walang sawang ginagampanan..
Pilit kitang hinahawi sa gitna ng kalungkutan..
Nagmimistulang anghel na bumaba pa mula sa kalangitan..
Upang ikaw ay hagkan,
at madampian ang iyong mga matang diko mapigilan sa pag luha ilang ulit mang punasan..
Kasabay ng iyong pananaghoy,
at ng mga pangako kong binitawan,
Na sa mga problema mong kahaharapin ay kasama mo akong lulunasan..
Hahawakan ang iyong mga kamay at diko bibitawan..
Pakiusap ko sayo na ikaw ay tumahan..
Nandito lamang ako sa tabi mo handa kang damayan..
Tawagin mo ang aking ngalan..
Sa sandaling akoy iyong kailangan..
Gawin mo akong sandalan..
Asahan mong di kita pababayaan..

" Laman ng puso ko'y ikaw, Pangalan mo lamang ang sinisigaw "


Sa papaanong paraan ko ba dapat umpisahan..

Para masabi ko sayo ang aking nararamdaman..

Alam ko na normal lang na kung minsan ay magkaroon ng tampuhan..

Pero ng dahil sa sobrang pag mamahal sayo ang pag tatampo ay pilit kong iniiwasan..

Alam kong marami tayong pag kakaiba, na kung minsan nga ay nauuwi pa sa di pagkaka intindihan..

Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring iyon ay di nangangahulugan..

Na ang pag tingin at pag mamahal ko sayo ay nababawasan..

Alam ko na bahagi lamang ito ng mga pagsubok na kailangan nating pag daanan..

Hangad ko na sa bawat tatawirin magka hawak kamay nating malalampasan..

Sabi nga nila walang di pagkaka unawaan,
hanggat kayang idaan sa mabuting pakiusapan..

Alam ko na minsan nasasaktan natin ang ating mga minamahal ng di natin namamalayan..

Lalo para sa isang tulad ko na napaka sensitibo kung minsan..

Oo sobrang napaka matampuhin ko, nakung minsan nga ang sarili koy di ko na din maintindihan..

Bakit nga ba di ko mapigil itong pagda drama ko, ako man ay nagugulahan..

Ngunit sa tuwing makikita ko ang maamo mong mukha, na kahit mula lamang sa mga pinakatatago tago kong iyong mga larawan..

Taglay ng nag nining ning mong mga mata dulot ng tunay na kaligayahan..

Mga ngiti sa iyong mga labi na kailan may di ko pag sasawaan..

Sa lambing ng iyong tinig at iba pang mga katangiang taglay mo na kailang may di matatawaran..

At sa pinadarama mong pag mamahal ang mga suliranin ko at pag daramdam ay agad na nalulunasan..

Itong naramdamang pag ibig para sayo,
tanging sayo ko lang naranasan..

Inabot mong pilit ang aking mga kamay upang i ahon ako sa pagka lunod ko mula sa kalungkutan..

At sana sa bawat ngiti na dinulot ko sayo, hangad ko na sana na lahat ng mga sakripisyo mo para sa akin ay magawa kong suklian..

Sa pag papadama ko ng pagmamahal sayo na kahit na sino ay di kayang tumbasan..

Pinapangako ko sayo na tunay at tapat ang aking nararamdaman..

Gaya ng pinaka una kong pangako sayo na aking binitawan..

Na mahal na mahal kita at ang iyong damdamin ay aking paka iingat ingatan..

Yan ang pangako ko sayo na kahit kailan may di nila magagawang higitan..

" Para sa pinaka makinang kong tala "


Nang masilayan ka tila ba natapos na ang matagal kong paghahanap..

At pagkatapos nuon, natapos din ang pag papanggap..
Nang makausap ka ang kasiyahan ko ay tuluyan ng naging ganap..

Sa kalungkutan at pag iisa ay muling bumangon..
Ng may ngiti sa labi at mga mata, makikitang dahil sayo tuluyan ng nalimot ang malungkot na kahapon..

Para sayo pinipilit kong umahon..
Sa bawat pag subok ko na haharapin, tanging pag ibig mo ang lakas ko at iyong pabaon..

Nang aking madinig ang malambing mong tinig..
Tinatanong ko sa sarili ko, kung papaano mo nga ba ako na pa ibig..
Gabi gabi mapa araw man, sa larawan mo madalas na nakakatitig..


Alam ko sa sarili ko itong ngang nadarama ko ay pag ibig..

Lumilipas ang bawat segundo na palaging masigla,
at tuluyan ngang naging masaya ang buong paligid,
At sayo ay ayaw nang mawalay..

di makayang iwaglit sa isipan, ayaw nang humiwalay..
pagnawawala ka ng matagal akoy nagiging matamlay..

Ganun pa man kahit anong mangyari, ako sayo ay laging maghihintay..
na sana dumating ang panahon na magawa kong hawakan ang iyong mga kamay..

Gusto na yata kita itali sa lubid ng pagmamahalan,
Dahil pag nandiyan ka nawawala ang lumbay..
Sinasabi ko saking sarili ikaw na sana ang matagal kong hinihintay..

Nang dahil sayo naibalik at ninais kong ibalik ang dating pagkatao ko na umiibig ng tapat at tunay..
kontento sa isa,
Nangangako na iingatan ka dilang ang relasyon nating dalawa kundi mas lalo na ang iyong damdamin..
Makinig ka sa aking sasabihin at mag tiwala sakin..
pinapangako sayo na di kana muling mag iisa..


gusto ko na maipakita sa iyo ang tunay na kahulugan ng salitang pag ibig..
Nais ko lamang hagkan ka sa aking mga bisig..

" Alak "



Ang alak nakaka tanggal ng nadaramang sakit..

nakaka tulong para mailabas ang mga tinatagong hinanakit..

panandaliang nakakapag palimot sa dinaramdam na pasakit..

sa kalunos lunos na sinapit..

at higit sa lahat nakakatulongupang mabilis mahubad ang kanyang damit..

Dang lupit..

"Talo Ang Pikon Yan Ang Usapan" (copy paste para kay ms.poker face)


Dear charo..

Sumulat ako sayo hindi dahil gusto ko na ang lahat ay maging klaro..
Para ito sa mga napukaw na damdamin sanhi ng pag harap sa libro..
Halika sumama ka sa akin ito ang aking hamon handa ka bang makipag laro?..

Para ito kay ma'am, alam kong magagalit si boss..
Pero sa lahat ng mga ginagawa ko walang sinu mang nag uutos..
At talaga namang gusto ko natayo ay mag tuos..
mahal ko ang mga babae at diko gawi na mambastos..
Kaya ituring mo nalang ako bilang iyong manunubos..
At mag mula ngayon ay walang sawa sayong babatikos..
Ito ang pinaka matamis na paraan upang aking nararamdaman ay mai raos..
Pasensya kana at ang pag galang ko sayo ay tila nagbabadya nang matapos..
At wag mo na sanang hintayinpang maubos..
Girl nakaka dalawa kana sakin nang aking ti nuos..
Tinawag kitang ma'am dahil nuon ay ginalang kita ng lubos..
Sige sumigaw ka hagang ma paos..
Para makuha mo ang simpatiya nila ngunit ang mga salita ko ay kailan may di mo kayang igapos..
Patikim palang ito at di pa ako tapos..
Unang pahina palang yan magiingay pa ako para madinig mo ang kaluskos..

At nag umpisa ko na ngang maamoy ang iyong ugali para akong sinakluban..
Whoa!? Bigla akong naalibadbaran..
Teka ang baho ano ba yan?..
Nanahimik lang ako at inisip na nga nila na akin nang pinabayaan..
Ngunit sa aking kalooblooban..
damdamin ko akoy nag ngingitngit sana bading nalang ako para magawa kong ikay sabunutan..
Talaga naman simulat sa pul ang mga pangyayari ay diko magawang kalimutan..

Isa ka sa mga puno, batikan, isa ka sanang uliran,
Ngungit kabaliktaran..
Alam mo ma'am ang tulad mo ay di dapat tularan..
May itsura ka pa naman..
Taglay ang ngalan..
May angking talino at kapangyarihan..
upang sana ay maging isang mabuting huwaran..
Para sa mga nagsisimulang kabataan..
Ang pundasyon ay tuluyan mo na bang nalimutan?..

Nabasa ko ang iyong tugon what are you trying to imply?..
Teka ma'am when i got read your conversation i think that you feel so fly..
Do you think you can fly?..
O adik ka lang at yan ang epekto ng iyong pagiging high oo wag mo nang i deny..
Come with me and im sure you will touch the sky..
You are making nonsense rules, look at your self you're the one who cant comply..
And it only make me sigh, pls dont ask me why..
You want to talk some issue?..
Ma'am nang mag english ka gusto kitang abutan ng isangbox ng tissue..
Akala ko nag iisa nalang ako yun pala may mas magaling pa sakin sa mga salitang sala..
Kaya wag kanang lumabas para gumala..
Feeling mo ba na isa ka nang tala?..
Siguro oo para sa isang low class na pelikula..
Oh teka wag ka nang sumimangot alam kong di mo ito inakala..

Inaasahan ko pa naman..
na isa ka sa mga tao na nakaka unawa sa tunay na kahalagaan..
Ng larangan ng palistuhan sapag sulat at pag bigkas ng mga kataga, storya, at maging sa balagtasan..
But in the way you approach panigurado ang mga baguhan na intresado ay pang hihinaan ng loob at mag aatrasan..
Alam ko namang takot kang maungusan..
Teka ms. Pls wag mo nga ako ngusuan..
At wag nang gumamit ng tropa para akoy inyong pag usapan..
Dinig ko ang usapan mula sa mga munti nyong katuwaan..
May screen shot din ang tropa
at alam ko ngayon ay nag uumpisa ka nang pamawisan..
Patawad kung idadawit ko kayong lahat
pero di kayo dapat pamarisan..
Kala muh kung sinong walang sungay mga bulaan..
Maganda ba sa pandinig?sa kalamnan bay nakaka nginig?
Mumurahing sorbetes na tag singkwenta..
Sentimos?..
Anu kayo nanlilimos?
Kung titimbangin ka wala ka paring kwenta..
Lalangawin ka pag sinubukan mong mag pa imprenta..
Ubos nadin ba ang iyong pasensya? ito gamitin mo ang lanceta..
Iwasiwas mo kapag nagkaruon ka ng chance makaharap ako..
at wag muh nalang isaksak habang naka talikod ako..
Sige ikaw na ang maldita..
Pag bibigyan kita..
Kung sa tingin mong diyan ka kikita..
Pero ija madami kapang kakainin kung gusto mo talaga humarap sakin..

Whoa!
"Bitches hatin again that's music to my ears
what you think my fuel for all the years?
im inspired when people dont like me they keep me writing so exciting"..

"Ma'am ano sa tingin mo gagawa ka pa kaya ng mga sagot saking tula
Bat ka natulala?
Kumuha ka na ng papel at panulat!,
para isambulat,
bat para kang nagulat?
Subukan mo nang ikay mamulat..
Ng magkaalaman na kung sino ang panget sa atin mag laro ng mga letra at sumulat"..

Okay ba?
Naitimbre ko na kayo kaya walang dapat ipangamba..
Sabihin mo kung kulang pa..
Akoy nagkulang ba?
Ma'am suspetsado kayo pa akoy natumba..

Ang pamagat:
copy paste para kay ms.poker face

Biro lang nakakatuwa talaga ako mag biro..

Sa mundong makasalan ito lamang ay laro..
Papaano?

"TALO ANG PIKON YAN ANG USAPAN"

" kaya mo yan kayla "


" kaya mo yan kayla "
(post ko para kay kissie shin, sa tambayan ng mga puyat)

Wag mo ipagkait..
Na makita ang iyong obrang kaakit akit..

Hayaan mo silang mapanlait..
Mga mahilig manakit..

Walang gustong ipa dama sayo kundi pasakit..

Kailan may sila'y di mapupunta sa langit..

Ang tanong nyo ay kung bakit?..
Siguro kahit,

Batang musmos
dama ang pait at galit..
Dulot ng mga mapang lait..

Mga hinanakit..

Na sanay mapawi sa pag iyak ng langit..

@kayla
hayaan muh lang sila manghusga..
Wag kang matatakot sa sasabihin ng iba..
Kung tatanggap ka ng papuri..
Dapat handa kadin tumanggap ng mga negatibong opinyon..

Share lang, ako kasi
im inspired when people's dont like me.. =)
alam ko walang saysay mga sinasabi ko pero sana napangiti manlang kita at napalakas ang loob.